Baliwag News Service Environment Protection

Palit-Basura Store, inihandog sa mga Barangay

pb1

Ang Palit-Basura Store ay isang makabuluhang proyekto ng pamahalaang bayan ng Baliwag. Sa pamamagitan nito, maaaring ipalit ng mga Baliwagenyo ang kanilang mga kalakal sa mga grocery items tulad ng bigas, kape, shampoo, toothpaste, sabon, noodles at iba pa.

Kaugnay nito, ang pamahalaang bayan sa pangunguna ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ay nagkaloob ng Palit-Basura Store sa labing-tatlong barangay sa Baliwag noong ika-12 ng Enero, taong kasalukuyan.   Nakatakda ring pagkalooban ang mga natitira pang barangay sa ikalawang linggo ng Pebrero.

Ang Palit-Basura Store sa Barangay ay pangkabuhayang-tulong para sa mga kapus-palad na mamamayan ng Baliwag upang sa maliit na paraan sila’y kumita at mapaunlad ang kanilang kabuhayan. Layunin din nito na maturuan at magkaroon ng kaalaman ang bawat Baliwageños sa tamang pamamahala ng mga basura at malasakit sa kapaligiran.

Advertisements

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.