Uncategorized

New Sto. Cristo-Pagala Access Road at Bagong Nayon NIA Road Widening sinisimulan na!

Baliwag, Bulacan – Sinisimulan na nga ang pagtatambak ng lupa sa bagong lansangan na magiging katapat ng BS Aquino Avenue. Ito ay mas malapad ng apat na metro. Labindalawang metro ang lapad ng BS Aquino at labing anim na metro ang bagong access road.

Ayon kay Mayor Ferdie Estrella, “prayoridad po natin ang mga pagawain na makapagiibsan ng daloy ng trapiko at upang makatulong sa paglago ng lokal na ekonomiya.”

Samantala, tuloy-tuloy naman ang paggawa ng National Irrigation Administration sa pagsesemento ng gilid ng patubig. Ito nga ang magiging altnernatibong daan patungo sa likod ng SM Terminal. Ang segment 1 ay mula sa Jollibee Junction patungo sa Baliwag Government Complex at ang Segment 2 ay mula sa Baliwag Government Complex sa gawi ng Baliwag Slaughterhouse hanggang Concepcion Tarcan.

Advertisements