Baliwag News Service Environment Protection

LGU-Baliwag at CEMSI, lumagda sa MOA Signing

Ang pamahalaang bayan ng Baliwag ay sumailalim sa Memorandum of Agreement (MOA) Signing sa pagitan ng Cleanway Environmental Management Solutions, Inc. noong ika-22 ng Enero, 2018 na ginanap sa Conference Room, Annex Bldg., Munisipyo ng Baliwag. Ang naturang kasunduan ay nilagdaan ng mga opisyal ng pamahalaang bayan at ng Cleanway Environmental Management Solutions,Inc.

Ang Cleanway Environmental Management Solutions Inc., ay isang kumpanyang nagtataguyod ng mas malinis at ligtas na kapaligiran sa pamamagitan ng proper waste management. Ang mga basura na katulad ng’toxic at hazardous waste’ ay daraan sa iba’t-ibang proseso kung saan ito ay pipinuhin at iti-treat at dadalhin sa Cleanway Sanitary Landfill upang maiwasan ang pinsalang maidudulot nito,

Sa pamamagitan ng kasunduang ito, matutulungan ang mga Rural Health Units (RHUs) sa tamang pamamahala ng kanilang mga basura. Gayundin, matiyak ang kaligtasan ng kalusugan ng mga mamamayan sa Baliwag kaalinsabay na maisulong ang pangangalaga sa ating kapaligiran.

Advertisements