Baliwag News Service

Saludo ang mga Baliwagenyo sainyong galing at husay!

Isang taon na ang nakalipas, nang bigyang parangal at pagkilala ni Mayor Ferdie V. Estrella at ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag ang mga batang nagkamit ng karangalan sa pamamagitan ng paglahok sa Provincial, Regional, at National Meet. Isa itong mahalagang aspeto sapagkat binibigyan pansin ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag ang mga natatangin bayani o atleta na nagbibigay karangalan sa ating bayan. Sila ang mga natatangin ehemplo sa mga batang may pangarap na sila ay maging kasing galing at husay ng mga batang ito. Kaya kami ay tunay na saludo sa inyong husay at galing sa inyo pinakitang at pinamalas sa palarong ito. Kaya ngayong taon ay sinusimulan na ng Sports Development Office at ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag sa pangunguna ni Mayor Ferdie V. Estrella ang pagkalap ng mga batang nagkamit at nagbigay karangalan sa ating bayan ngayong taon na ito. Upang sila ay kilalanin bagkus sila ay maging modelo sa ibang kabataang nangangarap din.

Advertisements