Baliwag News Service

Balitang Rescue FVE: Dahil sa iniwasang aso, buhay nalagay sa peligro

Advertisements

Isang aksidente ang naganap bandang 9:40 ng gabi, Enero 29. 2018. Ang aksidente ay namataan sa CCTV Monitor ng empleyado ng ating Public Assistance and Complaint Center kaya’t ito ay agad na narespondehan ng Baliwag MDRRMO Rescue FVE at nabigyan ng pangunang lunas. Ang nasabing akidente ay naganap sa tapat ng Baliwag BFP. Itim na Mio ang gamit ng lalaking nasa edad 29 na taga Brgy. Concepcion. Dahil hindi naman nakainom, gasgas lamang sa kaliwang tuhod ang natamo ng biktima at matiwasay ng nakauwi matapos sunduin ng kanyang magulang.

Advertisements