Baliwag News Service

KASANAYAN PANGKABUHAYAN HANDOG SA MGA SOLO PARENT!

Ang pagiging magulang ang isa sa pinakamahirap gampanan na responsibillidad dito sa ating mundo. Ngunit paano pa kung mag-isa kang tatayo bilang ama at ina ng iyong mga anak?

Batid ni Mayor Ferdie V. Estrella ang problemang dinaranas ng sektor ng mga “Solo Parents” kaya naman sa kanyang pangunguna ay nagsagawa ang Pamahalaang Bayan ng Baliwag ng mga pagsasanay na magagamit ng mga ulirang magulang upang sila ay magkaroon ng mapagkakakitaan. Nito lamang Enero 26-27, 2018 ay may kabuuang apatnapu’t limang (45) solo parents ang masuwerteng sumailalim sa Beauty and Wellness, Candle Making, Gift Wrapping at Party Balloons-Flower Arrangement training.

At upang masiguro na kanilang magagamit ang kasanayan para sa kanilang pangkabuhayan, tatanggap ang mga benepisyaryo ng mga paunang kagamitan na aabot sa halagang limang libong piso (Php5,000.00). Tunay ngang malapit sa puso at mahal ni Mayor Ferdie ang mga Solo Parents sa bayan ng Baliwag!

akda ni: Gerard Mhel Tolentino

Advertisements