baliwag Baliwag News Service Baliwag Public Information Office baliwag schools Baliwag Youth Development baliwag youth leaders Baliwagenyo Achievers Boy/Girl Officials btech BUKLURAN Bulacan College of Computer Science Inc. deped GAling ng BAliwagenyo Youth Center KBB (Kabataang Bayaning Baliwagenyo) Mariano Ponce National High School MDSF Montessori de Sagrada Familia national youth commission OLM Institute PYAP Baliwag scholarship Senior Highschool Social protection STI College of Baliwag Virgen Delas Flores High School

Baliwag Youth Leaders Assembly 2018

Advertisements

Muling nagtipon  ang mga Kabataang Lider ng Baliwag sa ginanap na Baliwag Youth Organizations Teambuilding and Planning na ginanap noong ika-27 ng Enero taong kasalukuyan sa Conference Room ng Munisipyo ng Baliwag. Layunin ng pagtitipon na na ilathala ang mga programa ng Pamahalaang Bayan para sa mga kabataang Baliwagenyo para sa taong 2018.

Sa pangunguna ng Local Youth Development Officer na si G. Antonio Sablan ay ipinresinta sa mga kabataang lider and line up ng mga programa ng Pamahalaang Bayan katuwang ang National Youth Commission. Kaugnay nito ay inilunsad din ang proyekto ni Mayor Ferdie na pagpapatayo ng GABAY Center o ang GAling ng BAliwagenyo Youth Center na magsisilbing pangunahing pasilidad sa bayan upang hubugin ang talento ng kabataang Baliwagenyo. Ang naturang pasilidad ay idedesenyo na magkaroon ng Dance Studio, Library, Media Center, Lounge, Music Room at iba pang pasilidad na patuloy na hihimok sa mga kabataang Baliwagenyo na paunlarin ang kani-kanilang talento.

Positibo naman ang naging tugon ng mga kabataang lider ang programang ito ni Mayor Ferdie kung saan ay nangako silang mas pagpupursigihin pa ang paghimok sa mga kabataang katulad nila na makiisa tungo sa pagpapaunlad ng kanilang mga sarili upang gampanan ang kanilang importanteng papel sa pagpapatuloy ng kaunlaran sa bayan.

Kabilang din sa iprinesintang programa ay ang mga aktibidad para sa darating na Agosto kung saan ay ipagdiriwang ang taunang Linggo ng Kabataan sa buong mundo. Ilan sa mga nabanggit na aktibidad ay ang muling pagpili ng mga Boy/Girl Officials, Hugot at Harana, Leadership Camp at Baliwag Youth Summit.

 

Bukod sa pagpepresinta ng mga programa ng Pamahalaang Bayan para sa mga Kabataang Baliwagenyo ay nagkaroon din ng iba’t ibang aktibidad ang mga kabataang lider kung saan ay mas nakilala nila ang isa’t isa. May ilang kabataang lider din ang nagpamalas ng kanilang talento.

Nagkaroon din sila ng brainstorming sessions kung saan ay mas inalam nila ang pangangailangan ng kabataang Baliwagenyo na malaking ambag sa patuloy na pagbalangkas ng Pamahalaang Bayan ng iba pang programang mas makapagpapalago at makatutulong sa mga kabataang Baliwagenyo.

Kabilang sa mga lumahok na grupo ng Kabataan sa team building ay PYAP (Pag-asa Youth Association of the Philippines), KBB (Kabataang Bayaning Baliwagenyo) BUKLURAN (Bukluran ng mga Magaaral sa Bayan ng Baliwag), Boy/Girl Officials 2017 at mga senior highschool mula Our Lady of Manaoag Institute, Bulacan College of Computer Science Inc., Virgen Delas Flores High School, Montessori de Sagrada Familia,  STI College Baliwag at iba pa.

 

Advertisements