Baliwag News Service

Target Setting ng mga Pinuno ng Tanggapan, Isinagawa noong Enero 24-25

Baliwag, Bulacan – Nagsagawa ng target setting na ngang muli ang Baliwag Management Committee na kung saan ay inilatag ng mga department heads at heads of office ang kanilang mga planong nakalaan para sa taong 2018. Dahil ang Baliwag ay ipinatutupad ang Strategic Performance Management System kung kaya’t ito ang magiging basehan upang masabi kung ang isang tanggapan at empleyado ay nakatutupad sa mandato ng kanyang opisina at mga targets nito.

Nagsilbing palabaybayan ng programa si Ms. Arlene Pascual, Pinuno ng Panlalawigan Tanggapan ng Pagpaplano at Pagpapaunlad. Katuwang ng Pamahalaang Bayan simula pa noong una ang Pamahalaang Panlalawigan sa mga gampaning tulad nito.

Bagama’t mayroong mga bagay na hindi natapos at hindi napagkasunduan ay nangibabaw nga ang malaking hamon para sa lahat ng mga departamento. Tunay ngang hindi na ito ang gobyernong nag-aantay lamang ng gagawin o gobyernong pwede na. Ito ay gobyernong nagpaplano, naghahanda, nag-iisip, sinusulit at may malasakit.

Advertisements

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.