Baliwag News Service baliwag police Baliwag Public Information Office btmo Child-friendly municipality MADAC MDRRMC MDRRMO Public Order and Public Safety Seal of Good Local Governance

PARA SA MAS LIGTAS AT MAAYOS NA KOMUNIDAD.

Nito lamang Enero 26, 2018 sa Pangunguna ng Punong Bayan Ferdie V. Estrella, ay nagkaroon ng pagpupulong ang mga miyembro ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC), Municipal Peace and Order Council (MPOC) at Municipal Anti Drug Abuse Council (MADAC) upang talakayin ang kasalukuyang kalagayan ng Kaligtasan at kaayusan sa ating bayan alinsunod narin sa mga programa at adbokasiyang pinaiiral sa ating komunidad.

Napagusapan sa nasabing pagpupulog ang mga programang ilulunsad alinsunod sa pagtitiyak na ang bawat Baliwagenyo ay laging handa sa anu mang oras ng Kalamidad o Sakuna na maaring maranasan sa komunidad. Ang FVE o Family Vulnerability Elimination na magsasagawa ng kasanayan at kahandaan para sa bawat Pamilyang Baliwagenyo, ang ALERT o All Ladies Emergency Rescue Team na bubuuin ng mga boluntaryong kababaihan sa buong Baliwag na sasanayin sa ibat ibang Search and Rescue Skills, at ang FVE Badge Program na tutukoy sa limang aspeto ng kagalingan ng isang establisyemento na kung saan kasama ang Peace and Order at Disaster Preparedness.

Tinalakay rin sa pagpupulong ang Peace and Order and Public Safety (POPS) Plan na kung saan ang bawat departamento ay inaasahang makamit ang kanilang tinarget alinsunod sa adbokasiya ng Punong Bayan na maging maayos at ligtas ang buong bayan sa lahat ng oras, ang planong ito ay nagsimulang maimplementa matapos ang pagkakabuo nito nuong taong 2016 at tatagal ng 3 taon (2019) na kung saan magkakaroon ng pagsusuri kung ang naturang plano ay naging epektibo sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa ating Bayan.

Napag usapan rin ang maayos at epektibong implementasyon ng mga Anti Drug Abuse and Rehabilitation Programs ng bayan na kung saan kapansin pansin ang mataas na porsyentong pagbaba ng mga indibidwal na naapektuhan ng nasabing pinagbabawal na gamot at mataas na porsyento ng mga na rehabilitate sa ating Bayan.

Nasa nasabing pagpupulong sina Michael Ismael Flores at Conrado De Guzman ng PACC, SPO1 Ronald Tariga, PC1 Gregorio Santos, PO1 Jean Bernadette Cortez ng Baliwag PNP, Milagros Macabatao at Alejandro Fernando ng Baliwag North and South District, Alvin Lee C. Asuro, Marvin Castro at Jenny Rose Hernadez ng MDRRMO, Mary Joan Dinlasan ng MHO, Arsenia Huertazuela ng MAO, Francis Pineda ng BTMO, Josephine Lopez ng MSWDO, Russel Hugo ng NUTRIPOP, SFO2 Jay Cruz ng BFP, Antonio Sablan ng PIO at ang Municipal Administrator, Enrique V. Tagle sa pamumuno ng Punong Bayan Ferdie Estrella.

Nagkaroon ng pagkakasundo ang bawat miyembro ng council na magkaroon ng bukod na pagpupulong ang bawat cluster o lupon upang pagtuunan ng pansin ang paggawa ng Integrated Plan para sa kanilang cluster na naayon sa ikaaayos at ikabubuti ng pangkalahatang plano para sa Bayan ng Baliwag.

Dahil sa Bayan ng Baliwag, ang bawat Baliwagenyo ay nararapat na ligtas at laging handa sa anu mang oras.

#mdrrmc #mdrrmo #mpoc #madac #peaceandordercluster #baliwagenyo #mfve #baliwag #ligtasatlaginghanda

Advertisements