Infrastructure Uncategorized

Illegal structures, basura, poor planning…sanhi ng pagbaha sa Santo Cristo, Tangos at Bagong Nayon.

Baliwag, Bulacan – Nakatutok ang isip ni Mayor Ferdie Estrella na masolusyunan ang problema ng pagbaha sa Zone 4 at Zone 2 ng Bagong Nayon at sa gawi ng Lopez Jaena sa Santo Cristo ngunit bigla na lamang nasorpresa maging ang mga opisyal ng National Irrigation Administration pati ang mga establsiyimento sa Brgy. Tangos ng bigla na nga lamang umapaw ang tubig sa gawi nila. Ayon sa pagsusuri, ang pinaka sanhi nito ay ang pagsasara ng mga natural creek na sana ay magiging daluyan ng tubig palabas, papunta sa Candaba swamp hanggang Pampanga River. Sa mga pagtatambak ng mga residential at commercial areas ay nasarhan ang daluyan ng tubig at napakakitid naman ng mga ilegal na struktura. Bukod pa riyan ang pagbabara ng mga basura sa mga lagusan. Tinitignan din ang malaking posibilidad na ang hindi natapos na proyekto ng DPWH ang dapat ayusin upang magtuloy ang tubig papalabas at maipon ang tubig sa tapat ng Rivera Rice Mill sa Brgy. Tangos.

Advertisements