Baliwag News Service

Basura, Isa sa mga Dahilan ng Pagbaha sa Gilid Patubig sa Sto Cristo at B.Nayon

Advertisements

Santo Cristo, Baliwag – Dalawang araw ng pinaobserbahan ni Mayor Ferdie V. Estrella ang dahilan ng paglabas ng tubig sa irigasyon papunta sa kalsada. Iisa nga ang naging resulta ng kanilang obserbasyon kung bakit bumabaha ngayon sa gawi ng Villa Cecilia, Daang Bakal at Bagong Nayon. Iginiit ng mga inhinyero sa Bayan ng Baliwag na hindi matatanggi na ang isa sa mga dahilan ng pagbaha ay ang walang habas na pagtatapon ng basura ng mga nangangalakal ng lumang refrigerator pati na rin ang walang habas na pagtatapon ng mga kabahayan.

Nahaharangan ng iba’t-ibang basura ang mga lagusan na nagpapabagal ng pagdaloy ng tubig palabas ng irigasyon.

Ayon kay Municipal Environment and Natural Resources Chief Edgar Luna. “Ito sana ay magsilbing aral sa ating mga kababayan. We can only fully solve this problem, if you cooperate in protecting our environment by being responsible stewards of the environment. Sinabi naman sa atin paulit-ulit, ANG BASURANG ITINAPON NINYO, IBABALIK KO RIN SA INYO. Ngayon ay ibinalik ito sa pamamagitan ng tubig,” pagtatapos ng opisyal.

Advertisements