Baliwag News Service

Pagtaas ng Bilang ng Business Registrations sa Baliwag na 60% Pinakamataas sa Kasaysayan. Mas mataas na bilang inaasahan ngayon 2018.

Mula ng maupo si Mayor Ferdie ay pumalo ang Business Registration sa pinakamataas na porsiyento sa kasaysayan ng Bayan ng Baliwag. Noong 2013, panahon ni Mayor Romy Estrella, sa huling taon ng kanyang huling termino ay nagrehistro ito ng 2,154 business establishments. Umakyat lamang ito ng isa noong 2014 o halos walang pagbabago. 2,296 business registrations nga noong 2015 hanggang lumipat ang 2016 na mayroong 2185 hanggang June 30, 2016. Natapos ang 2016 na may 2529 na nagnenegosyo at mayroong mahigit 3485 business registrants sa katapusan ng taong 2017, nangangahulugan na tumaas ito ng mahigit na 60% Nagsimula ang computerization project ng Business Permits and Licensing Office, naglunsad ng Sitting-Pretty ang TaxPayers Campaign at nagpadagdag ng tao na magmomonitor ng mga negosyong walang business permit. Bukod pa riyan ang mataas na palitan ng mga impormasyon ng mga ahensiya ng pamahaalaan tulad ng Pag-Ibig, Philhealth, SSS at SEC.

Retail-Trading Center Ang Baliwag nga ay hindi tulad ng Marilao o ng Santa Maria na madaming pabrika pero puno nga ito ng mga traders – wholesalers at retailers. Panahon pa man ng Kastila at Amerikano ay naging lugar na ito upang palitan ng mga produkto. Baliwag lang ang may 24 na oras na public market operations. Hanggang sa ngayon ay buhay na buhay pa din ang night market dito. Kaya nga mahigit sa 50% ng mga negosyante dito ay retailers. Real Estate Real estate sana ang talagang bibida dito pagkatapos ng retailers ngunit madami dito ang hindi nagpaparehistro kasama na ang mga apartments o mga pinauupahang bahay. Nananatiling malaking hamon ito para sa pamahalaang lokal Partikular sa BPLO.

Advertisements

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.