NDRRMC nasa Red Alert Status Na Kaugnay ng Paglalagay sa Alert Level 4 ng Bulkang Mayon

Advertisements

Writer : rose.ojenar

Dj : ron jacob

Title : NDRRMC nasa red alert status na kaugnay ng paglalagay sa alert level 4 ng bulkang Mayon

6pm Newsbreak


Nasa red alert status na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC kaugnay nga ng paglalagay sa alert level 4 ng bulkang Mayon.

Ayon ky Spokesperson Romina Marasigan, umabot na sa walong kilometro ang itinalagang danger zone sa paligid ng nag aalborotong bulkan dahil nadin sa pag buga ng abo at pag daloy ng lava.

Umabot naman sa anim na libo ang mga pamilyang inilikas at inaasahang madadag dagan pa ng walong libo pang pamilya sa mga darating pang araw.

Samantala nasa NDRRMC na ang Response cluster na syang tututok sa kalusugan, siguridad at iba pang pangangailangan ng mga pamilyang naapektuhan.

Dagdag pa ni marasigan my sapat na pondo ang pamahalaan upang matulungan ang mga kababayan nating lubhang na aapektuhan ng pag aalboroto ng bulkang mayon