Baliwag News Service

Kapit-Bisig para sa Kalikasan!

Advertisements

Ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ay patuloy sa pagsasagawa ng mga programa upang magbigay ng kaalaman at kamalayan sa pangangalaga sa ating kapaligiran. Isa sa mga programa ng MENRO ang Environmental Awareness Seminar kung saan inaanyayahan ang iba’t-ibang sektor sa ating lipunan upang maging kaisa sa makabuluhang gawaing ito.

Eco-Police 

Bilang isa sa mga taga-pagpatupad sa kalinisan sa ating bayan, ang mga Eco-Police ay lumahok sa isinagawang Environmental Awareness Seminar noong ika- 5 ng Enero. Sa pamamagitan nito, sila ay natuto at nagkaroon ng mga dagdag-kaalaman tungkol sa mga batas pangkalikasan na malaking tulong sa kanilang ginagampanang tungkulin.

Baliwag TODA Federation

Naging kaisa din sa isinagawang seminar  ang mga pangulo at miyembro ng Tricycle Operators and Drivers’ Association (TODA) ng Baliwag simula ika-10 hanggang 12 ng Enero, taong kasalukuyan. Ito ay  ginanap sa Baliwag Climate Change Center, DRT Highway, Pagala, Baliwag, Bulacan.

Layunin ng naturang seminar na mahikayat ang mga miyembro ng TODA na maging katuwang sa mga programa ng pamahalaang bayan patungkol sa pangangalaga ng kalikasan katulad ng kanilang pakikiisa sa Monthly Town-Wide Clean-Up Drive at iba pang mga programang pangkapaligiran.

Patunay lamang ito na ang mga Baliwagenyo ay hindi lamang nagmamalasakit, bagkus Kapit-Bisig pa para sa Kalikasan!

Advertisements