Baliwag News Service

In my Opinion: Pasaheng Pasaway

____________________________________________Editorial: You may also contribute your views, opinions and commentaries. Email it at baliwagcitynewsonline@gmail.com

____________________________________________

Araw-araw daw traffic sa Metro Manila, sa San Fernando, sa Malolos at sa Baliwag. Wala na nga tayong pinagbubuntunan ng galit at sisi kung hindi ang mga pobreng MMDA at traffic enforcers. Actually, kahit na Superman at Darna baka mahirapan magtraffic enforcers sa Pilipinas. What we really need is a good mix of an efficient public transport system, infrastracture, policy implementation and qualified-trained personnel. 

Baliwag’s Traffic problem ay hindi po iba sa problema sa trapiko sa Maynila. Kailangan natin ng isang swak na public transport. Yung maraming masasakay at mumura ang pamasahe. Kung train or subway ang sagot sa Metro Manila baka sa Baliwag mga mini-jeep, mas ok kung electric. Ruta ng SM to Bayan; Candaba-San Roque-Bayan; Bayan San Rafael to Baliwag Bayan at SM; SM Pulilan to SM Baliwag. 

Sana lang ay nasa estado na ng social preparation ang pamahalaang lokal. Ibig sabihin, hinahanda na ang mga tricycle drivers sa nakaambang pagbabago ng sasakyang laan sa publiko.  Kung naghahanda man, paano naman kung hindi matanggap ng mga tricycle drivers o hindi sa kanila nakakarating na may ganyang programa. Hindi man nila tanggapin, wala itong patutunguhan kung hindi doon. Dahil patuloy na kokonti ang pasaheros dahil nagmotor na lang. Hindi mapipigilan ang pag-unlad ng pamumuhay at kung paano nito gustong magpalit-anyo. Gagawa at gagawa ito ng paraan para matama ang sistemang ito. At damang-dama ko na ito. Dahil ika nga, nasa rurok na ito. Kaya dapat, magseryoso naman ang gobyerno sa paghahanda sa kanila kung meron man. Kung wala ay para natin silang unti-unting tinuturukan ng lason. It takes political will, determined resolve at knowledge and deep understanding of what the problem really is.

Sa aking pagtatapos, nakakatawang isipin na bakit kailangan taasan ang pasahe lalo pa ang mga sumasakay dito ay ang mga hindi kayang bumili ng sasakyan o hindi kayang magmotor tulad ng mga senior citizens o kaya ay mga estudyante na karamihan ay iniraraos lang ng kanilang mga magulang. Hindi kaya ito overkill sa mga sektor na dapat sana ay pinapalakas pa. Ang pagtaas na pasahe ay hindi maganda para sa kahit anong anggulo dahil kaya nitong magpahinto ng pag-aaral; magpataas ng pasahe; magpapabagal sa ekonomiya; at magpapahina pang lalo sa mahinang sektor. 

Editorial. Ang blog ay kontribusyon ni J. Azores, 28 years old mula sa Brgy. San Jose, Baliwag, Bulacan.q×w

Advertisements

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.