baliwag Baliwag Chamber of Commerce Baliwag News Service Baliwag Public Information Office Bplo Business friendliness and competitiveness Business Friendly Business streamlining Citizens Charter go negosyo investment promotions national competitiveness serbisyong may malasakit

Sitting Pretty Campaign sa Baliwag, Sa Ikalawang Taon Nito

Sitting Pretty – parirala o idyomang nangangahulugan sa wikang Ingles na in a very pleasant position, living in comfort, living in a good situation. Pinili nga ang dalawang salitang ito upang hubugin  ang pagbibigay ng serbisyo ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag na may kaugnayan sa pagpapadali ng pag-aaplay ng business permit at kaagapay na aktibidad nito.

 

Ang paglagda ni Mayor Ferdie Estrella sa Executive No. 31 Series of 2016 o Institutionalizing the Sitting Pretty Campaign ay pagtalima sa inilabas na Joint Memorandum Circular 01, Series of 2016 sa pagitan ng DICT, DTI at DILG patungkol sa streamlining process sa pag-aplay ng business permit . Ito ay nagbigay daan upang tumugon sa repormang inaasahan o higit pa sa Business Permit and Licensing System na kinabibilangan ng processing time, number of steps, form used and number of signatories kasama na rin ang iba pang complementary reforms  tulad ng setting-up of a Business One-Stop-Shop (BOSS), conducting Joint Inspection at automating business permit application processes.

 

Nasa ikalawang taon na ng implementasyon ang Sitting Pretty Campaign na talaga namang malaki ang nagiging magandang dulot sa mamamayan. Sa unang taon nito, napabilis at napagaan ang proseso ng pagkuha ng business permit new or renewal man. Napatunayang nakatulong ito sa pagdagdag ng mga bilang ng mga negosyong rehistrado na merong 3,473 taong 2017 mula sa 2,529 noong  2016 na may 37.33 porsiyento na pagtaas ng bilang. Ito ay nagresulta rin sa pag-akyat ng koleksiyon ng lokal na buwis at pagkakaroon ng magandang  feedback mula sa mga negosyante maliit man o malaki.

Kaya naman  sa mga negosyante at nagnanais mapabilang sa mga namumuhunan sa Baliwag, isang tunay na kapakinabangan ang pagkakaroon ng Sitting Pretty Campaign. Ito ay kabahagi  pa rin sa mga repormang isinusulong  ng serbisyong may malasakit ni Mayor FVE.

Advertisements