Baliwag News Service

Dami ng Vehicular Accidents, Nakakabahala! Parking sa Kalsada, Sanhi nga ba ng Paglala ng Traffic sa Baliwag.


Editorial. Maari din kayong magpadala ng mga komentaryo at artikulo upang malathala sa Baliwag City News Online. Magemail lamang sa baliwagcitynewsonline@gmail.com


Dear Ka Eddie,

Araw-araw halos ay nakakabalita tayo ng mga aksidente sa mga kalsada at pangkaraniwan ay motorsiklo ang nakasangkot dito. Ang malungkot dito ay may mga buhay na napipinsala kung hindi man nawala. Nakikita namin ang mga responde ng Baliwag MDRRMO at halos motorsiklo nga ang sagkot.

Noong bago magpalit ng taon isa sa aking pinsan ang naaksidente matapos silang banggain ng isang lasing nakamotor. Sa kinasamaang palad, ang dapat sana ay isang maganda at masayang pagsalubong sa bagong taon ay napalitan ng dalamhati at tila isang bangungot para sa buo naming angkan. Hahatid lamang siya pauwi bago mag alas-dose ng hating gabi ng kanyang nobyo pero hindi na siya nakauwing buhay.

Araw-araw ay nababalitaan natin na may naaksidente sa motor dahil may lasing na nakabangga o dahil nabangga siya dahil lasing siya o napatakbo niya ang motor na singbilis ni Superman at nalimutan niyang hindi pala siya si Superman. Hindi ito katatawanan. Seryosong usapin ang pagkawala ng isang mahal sa buhay. Sana ay hindi ang isa na namang aksidente ang kailangan mangyari bago natin maalala na dapat, always, drive safely. Wear your helmet at don’t drink and drive.

Sana ay magising tayo sa isang kultura at kamalayang ligtas. Kung nanghuhuli ang mga PULIS sa gabi dahil walang helmet ay sana mang huli din sila dahil lasing. Higpitan pa sana ng mga kinauukulan.

Glenda DC of San Roque, Baliwag


ed. Ayon sa tala ng Baliwag Rescue FVE ay nakapagreresponde sila ng hindi bababa sa tatlo hanggang pitong tawag ng aksidente araw-araw sa mga lansangan sa Bayan ng Baliwag kasama na ang kahabaan ng DRT Highway. Madalas din natatawagan ng 911 ang ating rescue unit kahit na hindi ito sakop ng Baliwag.

Dear Ka Eddie,

Napasulat ako sa editorial sanhi ng pagpost ng fanpage ni Mayor Ferdie tungkol sa maling paggamit ng mga kalsada bilang parking space. Naniniwala ako na dapat ay magkaroon ng disiplina; wastong pagpapahalaga sa karapatan ng iba at kahihiyan.

Paano naman nakakayanan ng sikmura na nakakabili ka ng sasakyan pero hindi makabili ng lote para paglagakan ng sasakyan. Paano naman maatim na nakapatente ang iyong sasakyan sa kabila na ang na traffic ay tatlong kanto na ang layo.

May mga tricycle na naka park sa Lopez Jaena; armored car sa BS Aquino; truck pandeliver kung saan-saan; mga kotse sa Calderon; sari-saring kotse sa labas ng mga establisyimento. Sila na nga na nakabili ng kalsada. Sila na nga na nagrereklamo araw-araw kung bakit nga nagtatrapik. Masakit sabihin pero singkitid ng kalsada sa Baliwag ang pinagkukuhanan ng mga nakapark sa kalsada. Sila pa nga mismo ang n

Advertisements