baliuag baliwag Baliwag News Service Environment Protection menro

Ang paglulunsad sa makabagong PALIT-BASURA STORE

Bilang bahagi sa tagumpay ng Palit-Basura Store noong nakaraang taon, ang pamahalaang bayan ng Baliwag katuwang ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) at Public Employment Service Office (PESO) ay muling maghahandog ng Palit-Basura Store para sa mga Baliwagenyo. Ngunit, para sa taong 2018, ating masasaksihan ang ilulunsad na mga bagong Palit-Basura Store kung saan magkakaroon na rin ng mga Palit-Basura Store sa mga barangay at maging sa mga piling paaralan sa Baliwag.

Ang Palit-Basura Store sa Barangay ang magsisilbing palitan ng mga kalakal sa Barangay (plastik, bote atbp.) na maaaring ipalit ng bigas, shampoo, de lata at iba pa. Gayundin sa mga paaralan, kung saan maaaring makapagpalit dito ang mga mag-aaral ng ballpen, pantasa, papel at iba pang mga gamit-pampaaralan.

Layunin ng bagong Palit-Basura Store na maging katuwang ng pamahalaan ang mga barangay at mga paaralan sa paghahandog ng Serbisyong may Malasakit hindi lamang para sa mga Baliwagenyo gayundin sa pangangalaga sa ating kapaligiran.

Advertisements