Baliwag News Service

Investors, Humanga sa Mabilis na Reporma na Isinagawa sa Baliwag. Malalaking malls at Developers Kumakasa na!

Baliwag, Bulacan – “Nakakagulat!” Iyan nga ang pangkaraniwang nabubulalas ng mga investors na inanyayahan ni Mayor Ferdie Estrella sa kanyang tanggapan upang  i-update sila sa mga programa para mareporma ang pamahalaang lokal. 

Ibinalita ni Mayor Ferdie sa mga imbestors na mabilis na nasukat ng National Competitiveness Council ang pagbabago kung kaya umakyat kaagad mula sa pang 960 pwesto ang Baliwag paakyat sa pang 42 para tanghaling Most Improved First Clasa Municipality.  Ang Philipine Chamber of Commerce and Industries Inc. ay kinilala naman ang Baliwag bilang isa sa walong Most Business-Friendly LGU sa buong bansa. Samantala, ang Central Luzon Growth Corridor Foundation ay nagbigay sa Baliwag ng 91% score mula sa 78% sa pagproseso ng mga business Permits at business-friendly climate sa Baliwag. 

Nakatakda nga na mag-invest ang Waltermart,  SMDC at Unitop ngayon taon. Ayon kay Karenjoy Rivera, Investment Promotions Officer ng Baliwag, “it helps thats the leadership establishes a warm and accomodating relationship with these big investors because after the numbers and rankings, these people will value the kind of relationship that is built. Hindi sila pinapahirapan, pinapadali ang proseso, may incentive at may pakikisama. All of that will be material  and contribute to their decision whether to invest or not.”


Advertisements