Kumukuha ng Cedula, Dumagsa Ngayon Araw

Advertisements

Baliwag, Bulacan – Dumagsa nga buong araw ang mga kumukuha ng Community Tax Certificate o Cedula kasabay ng unang araw na bukas ang mga tanggapan ng pamahalaan.  Nakasabay pa umano nito ang mga kumukuha ng Baliwagenyo ID o ang Baliwag Benefits Card. 

Ayon kay Ms. Claire Guanzon, Project Manager ng Baliwagenyo ID, ililipat bukas, Enero 4, ang lahat ng capturing sa Lobby ng Baliwag Star Arena upang magkaroon ng sapat na espasyo ang mga kumukuha ng Business Permit, Nagbabayad ng Sedula at ng amilyar. 

Nangako naman si Baliwag Municipal Treasurer Martiniano Javier na bukas ay maayos na ang pila ng mga nagbabayad ng cedula sa paglipat ng capturing ng Baliwag Benefits Card.