Baliwag News Service

Baliwagenyos Suportado ang EO28 ni PRRD. Kahit na may mga Sumuway.

Advertisements

Baliwag, Bulacan – Bagama’t may mga nagpapaputok sa kabila ng pagpapalabas ng Executive Order 28 ni Pangulong Duterte, suportado pa din ng karamihan ng mga Baliwagenyos ang pagregulate sa pagpapaputok. 

Ayon sa mga kinapanayam na mga nagtitinda ng paputok ng Baliwag City News Online, dumalang na din ang bumili ng malalakas na paputok at karamihan bumili ng mga fountain o luces na maaaring sindihan sa loob ng mga bakuran. 

Kitang-kita sa kalangitan  na madami pa din ang nagpaputok ngunit hindi na din ito kasing dami tulad ng mga nakalipas na taon. Bukod pa riyan ay halos nagpapaputok lamang ang mga ito mga bente minutos bago mag alas dose. 

Implementing Rules

Nagpalabas naman ng localized Executive Order  Executive Order si Mayor Ferdie Estrella ayon sa direktiba ni Pangulong Duterte. Sa IRR, ang pagpapaputok ng fireworks ay hindi na maaari ng walang permiso mula sa Pamahalaang Bayan. Kailangan din ay naglatag ng plano ang mga barangay o sino man ang magpapaputok para sa seguridad ng publiko. Sa panahon naman ng bagong taon, ang pagpapaputok ay sa mga community fireworks display area. 

Ayon kay Mayor Ferdie, “mahirap alisin ang isang tradisyon na taon-taon ay nakasanayan nga na gawin. Namulat tayo sa ganitong tradisyon at karamihan ay naniniwala pa din na kailangan magpapaputok upang swertihin sa bagong taon. Bukod pa riyan, may industriya sa atin ng paputok kahit na hindi naman ito kalakihan ay may mga kababayan pa din tayo na maapektuhan. Kinokonsidera di natin na hindi naging sapat ang information drive ngayon taon kaya’t napag-usapan na relaxed ang panghuhuli sa mga susuway dito. In no time ay maipapatupad na din ito at masasanay na din ang mga tao na salubungin ang bagong taon sa pamamagitan ng mga street parties. God-willing ay baka makapagorganisa na tayo ng New Year’s Countdown sa December 31, 2018,” pagtatapos ni Mayor Ferdie. 

Street Parties

Sa kabuuan ay naging mistulang isang malaking dance floor ang mga lansangan. Halos may mga inorganisang street parties na may mga dumadagundong na mobile set-up. 

Poll

Samantala, lumabas sa poll na 82% ng mga sumali ay sumusuporta sa paglalagay ng mga commuty fireworks display area at 18% ang hindi pabor dito. 

Advertisements