Baliwag News Service

Residente ng Bagong Nayon at Sto. Cristo Nakaranas ng Pagbaha ngayon Bagong Taon

Advertisements

Sto. Cristo, Baliwag —  Lubog nga sa tubig at binaha ang mga kabahayan sa Bagong Nayon at brgy. Santo Cristo na nakadikit sa patubigan ng National Irrigation Administration. Ito ay bunsod ng pagpapawala ng tubig sa Angat Dam na may normal high level na 212 ngunit may sukat 212.43mts.

at Bustos Dam matapos na ito ay malapit ng umabot sa critical spilling level na 17.70. Kasalukuyang nasa 17.50 ang sukat nito. Mas delikado kung hindi ito magpapalabas ng tubig kaya’t mas minabuti ng pamunuan ng Angat Dam na makapagpawala ng tubig dahil may inaasahan pa nga na mga pag-ulan. 

Ayon kay MunicipalAdministratorEnriqueTagle: “noong una pa man ay nais ni Mayor Ferdie na masolusyunan ang problema ng mga mga taga-Bagong Nayon at Santo Cristo. Nakausap na niya ang NiA at DpWh para mapag-usapan ang isang pangmatagalang solusyon. May na iddntify din na problema sa hindi natapos na project ng DPWH sa may Brgy. TANGOS kaya napopondo ang tubig doon. Nagpabudget talaga siya para sa taong 2018 para sa drainage sa lugar na iyon. Pero ang isa pa talagang problema diyan ay ang pagbabara ng irigasyon ng mga kabahayan o illegal structures. Iyan din nga ang nakikitang solusyon, ang marelocate ang mga nakaharang na struktura sa mga patubigan.”

Advertisements