Baliwag News Service

Come from Behind Rally para sa Baliwag

Editorial: Ang sumusunod ay artikulo ng isang empleyado ng munisipyo na ayaw magpakilala. Siya ay gumagamit ng pen name na Salabat.

Dati-rati, naiinggit ako sa mga bayan na nakakakuha ng mga pagkilala at parangal.  BIlang isang kawani ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag, napapaisip ako kung bakit nga ba ang husay nila at bakit nga kaya hindi namin makaya.  Dahil kaya ito sa hindi namin talaga kaya o maling mga tao lang ang nalalagay o dahil hindi kami inspirado o dahil hindi talaga kami nabigyan ng pagkakataon na ipakita ang kaya namin gawin. Pero iba na nga ang istorya ngayon. 

Unang Hamon

Ang pinaka unang hamon noon ay ang computerization ng Business Permits and Licensing Office. Matagal-tagal na din itong napag-iwanan. Antique na nga ang tawag doon.  Pero nagawa nilang makasunod sa computerization at buhat sa 78 na grado sa Central Luzon Corridor Foundation ay umakyat ito sa 91. Dito ako naniwala na hindi ito tungkol sa tao, dahil nakaya naman. Sa tingin ko, ito ay buhat sa sistemang hindi kami hinayaang ipamalas ang kakayanan namin na maging mahusay at makipagsabayan sa iba pang LGU. Ang mga departamento noon ay kanya-kanya basta nagawa kahit pwede na. Iba na nga ngayon. 

Sunodsunod

Totoo nga din ang kasabihan na when it rains, it pour. Matapos ang Most Outstanding Mayor Award ni Mayor Ferdie Estrella ay nagsunod-sunod na ang mga parangal na inani ng Baliwag. Mula sa Cities and Municipalities Competitiveness Index na pang 960 pwesto ay bumaba ang Baliwag sa 42 dahilan upang tanghalin ng National Competitiveness Council bilang Most Improved First Class Municipality sa Buong Bansa; Top 12 sa Infrastracture Development at Top 10 sa Most Resilient Municipality. Tinanggap ang Seal of Child-Friendly Municipality, Top 8 Most Business-Friendly Municipality ng Philippine Chamber of Commerce and Industries Inc. at Most Supportive Mayor on Youth Programs at 35 Best Practices in Environment.

No. 1 sa Bulacan

Samantala, tinanghal naman na pinakamahusay na Municipal Police Station ang Baliwag PNP. No. 1 din ang Baliwag Municipal Health Office sa buong lalawigan at National Champion ang Municipal Information and Communication Technology Office sa NICP-DICT-DILG Award for IT Excellence for Good Governance para sa e-gov G2C category at Finalist sa G2G category.

SGLG

Nagawaran din ang Baliwag ng Seal of Good Local Governance ng Department of Interior and Local Government.

Ang Baliwag ay isa sa limang bayan na nakatanggap nga ng Sglg. Baliwag lang din ang nagawaran na ang may Mayor ay First Term lamang. Hindi mo talaga lubos na maisip na makakaya ang SgLg sa dami ng kailangan pag-aralan, gawin at ipasa. Ang imposible naging posible. Iba na nga kasi ngayon.

Come from Behind Rally

Ang sarap talaga ng pakiramdam pagnanalo. ‘Yon ngang feeling ko dati ay napalitan ng pride, konting chin-up kumbaga. Buhat sa wala, ngayon ay nahanay na ang Baliwag sa mga top cities and municipalities sa loob lamang ng isang taon. 

Dati-rati, naiinggit lang ako. Dati-rati ang konti ng mga empleyado na proud na maglakad ng nakauniform. Dati-rati parang walang paki-alam. Pero iba na nga ngayon. 

Advertisements