Baliwag News Service

Mayor Ferdie: “ Serbisyong may Malasakit – iyan ang makadiwang Rizal.”

Pinangunahan nga ni Mayor Ferdie V. Estrella ang 2017 Rizal Day Celebration sa Plaza Naning, Baliwag, Bulacan kung nasaan ang bantayog ni Gat Jose Rizal.

Humigit kumulang dalawang libo-limang daan (2500) ang dumalo sa nasabing pagdiriwang at ito ay buhat sa iba’t-ibang sektor kasama na ang mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag pati na rin ang mga punong-guro at mga guto sa pampublikong sektor.

Naroroon din ang mga kinatawan ng Senior Citizens, Persons with Disabilities, solo parents at mga civil society groups.

Ang PNP Baliwag sa pangunguna ni P/SSupt Froilan Uy ang nagtaaas ng watawat at umalalay sa kay Mayor Ferdie, Mayora Jonah, Konsehal Joel Pascual, Konsehala Madette Quimpo at Giovanni Labao, Pangulo ng PASAKABA.

Matapos ang pag-aalay ng bulaklak ay nagkaroon ng photo ops ang mga organisasyon kasama si Mayor Ferdie Estrella. Si G. Michael Flores at Bb. Laarni Vera-Lauro ang nagsilbing tagapagdaloy ng programa.

Advertisements

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.