Baliwag News Service

Paymaya at Mayor Ferdie Magpapamahagi ng Grocery Pack sa Dec. 29-Jan. 2 sa mga Mag-aapply ng Baliwag Benefits Card

Baliwag, Bulacan – Bilang pasasalamat ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag sa pangunguna ni Mayor Ferdie V. Estrellakasama ang Paymaya, ang provider ng Baliwag Benefits Card, simula sa Disyembre 29 hanggang Enero 3, ang lahat ng mga mag papa ID ay bibigyan ng grocery packs.

Ang Baliwag Benefits Card ay integrated sa sistema ng pamahalaang bayan na naglalayong maging fast, reliable at transparent ang pagclaim ng mga benepisyo.

Bukod sa pagiging cash card at atm card ito din ay gagamitin sa pagclaim ng mga benepisyo tulad ng libreng sine, birthday, hatid kalinga at iba pang programa ni Mayor Ferdie.

Hindi lalaon ay magiging discount and loyalty card ito ng ilang mga kumpanya at establisiyimento.

Para sa mga tanong ukol sa Baliwag Benefits card ay i-click lamang ang link na ito Frequently Ask Questions Baliwag Benefits Card

Para naman sa online booking ay magregister sa link na ito http://Baliwag Benefits Card Online Registration and Booking

Advertisements