Baliwag News Service

In Review: Municipality of Baliwag, Mayor Ferdie Nagkamit ng Labing-Apat na Parangal at Pagkilala Ngayon Taon 2017

Sa kabuuan nga ay nagkamit ng labing-apat na pagkilala at parangal ang Bayan ng Baliwag sa kabuuan ng taong 2017. Ito na marahil ang tinatawag sa pinilakang tabing na grand slam. Para sa isang bayan tulad ng Baliwag na may mayaman at makulay na kultura, sikat na pangalan ng bayan at tanyag na mamamayan sa iba’t-ibang larangan, dapat lang na mabigyan nito ng isang mahusay na pamamahala na pasado sa nasyunal o higit pa.

Una na nga sa listahan ng mga Awards ay ang awards of awards para sa isang lokal na pamahalaan ay ang 2017 Seal of Good Local Governance na ginagawad ng Department of Interior and Local Government.

Binigyan ng Seal of Financial Housekeeping ang Pamahalaang Bayan ng Baliwag dahil sa mahusay at walang inililihim na pamamahala (transparency and accountability)

Nagkamit din ng Most Improved 1st Class Local Government ang Baliwag matapos itong tumalon ng pwesto mula 960th pababa ng 42nd sa Cities and Municipalities Competitiveness Index ng National Competitiveness Council o NCC. Top 12 naman tayo sa buong bansa sa NCC on Infrastracture at Top Ten Most Resilient First Class Municipality in the Nation batay sa Philippine Resiliency Foundation.

Mula naman sa gradong 78 ng Central Luzon Corridor Foundation ay umakyat ito upang maging 91. Malaking bagay ang ginawang reporma sa Business Permit and Licensing Office tulad ng computerization at streamlining. Ang mga pagbabagong iyan ay kinilala ng Philippine Chamber of Commerce and Industries bilang 1 of 8 Finalists sa Most Business-Friendly LGU sa buong bansa.

Bagama’t isang taon pa lang ay nagawa nitong magkamit ng CHAMPION CUSTOMER EMPOWERMENT G2C Category at Finalist, BEST IN GOVERNMENT INTEROPERABILITY mula sa Award for IT Excellence for Good Governance for LGUs ng DICT, DIlG at NiCP. Ito ay para sa Baliwag High FVE App.

Sa sektor ng Social Services, wagi din ang Baliwag matapos na ito ay magawaran ng Seal of Child-Friendly Municipality mula sa DSWD at itinanghal naman na Pinakamahusay na Municipal Health Office sa Gawad Galing Kalusugan ng Provincial Government of Bulacan.

Samantala, Baliwag PNP Station naman ang itinanghal na Best Municipal Police Station ngayon 2017 (Provincial) bago pa riyan ay Best Municipal Police Station din ang Baliwag Police Station sa Regional Level.

Naririto ang Kumpletong Listahan ng mga Parangal at Pagkilala na iginawad sa Bayan ng Baliwag at Mayor Ferdie Viceo Estrella:

1. 2017 Seal of Good Local Governance

2. Most Improved 1st Class Municipality

3. Top 10 Most Resilient 1st Class Municipality

4. Top 12 in Infrastracture

5. Best Municipal Police Station

6. Gawad Galing Kalusugan – Best Municipal Health Office

7. National Champion, Customer Empowerment G2C Award of IT Excellence for Good Governance

8. Finalist, G2G Category Award -Award of IT Excellence for Good Governance

9. Best Practices in Solid Waste Management Award

10. Seal of Child-Friendly Local Governance

11. Seal of Good Financial Housekeeping

12. Most Outstanding Mayor of the Philippines

13. Most Supportive Mayor on Youth Programs

14. Finalist, Most Business-Friendly Municipality (Philippine Chamber)

Advertisements

One Reply to “In Review: Municipality of Baliwag, Mayor Ferdie Nagkamit ng Labing-Apat na Parangal at Pagkilala Ngayon Taon 2017

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.