Baliwag News Service

Pahayag ukol sa Pagkaantala ng Koleksyon ng Basura

Advertisements

Pabatid

Ang ating contractor sa hauling at sanitary landfill na METROCLARK CORPORATION ay kasalukuyang hindi pinapayagan na makapasok at makapagtapon ng basura papunta sa Sanitary Landfill sa Clark. Sumulat na po sa Metroclark ang Tanggapan ng Punongbayan upang pagpaliwanagin at nag abiso na maaari ng kanselahin ang ating kontrata sa kanila, kung ang bagay na ito ay hindi maisasaayos. Ang Pamahalaang Bayan ng Baliwag katulad ng iba pang mga bayan ay mapipilitan na magsagawa ng Emergency Procurement upang masolusyunan ang problemang ito pansamantala.

Kung kaya, hinihiling namin ang inyong pang unawa sa mga bagay na ito.

Kailangan din po tayong MAGSEGREGATE NG BASURA MULA SA MGA KABAHAYAN, ESTABLISYIMENTO PAPUNTA SA BARANGAY MRF AT PANGHULI SA ATING CENTRAL MRF. Iyan po ang mas mahaba at mas maliwanang na solusyon sa ating problema sa basura.

Pipilitin po natin na magawan ito ng solusyon hanggang sa madaling panahon. Upang hindi kumalat ang basura ay iwasang ilabas ito hangga’t walang abiso.

Maraming salamat po.

Advertisements