Baliwag News Service

Organisasyon Para sa mga OFW, Inihahanda na

Bagong bayani kung ituring ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagtratrabaho sa ibang bansa upang mabigyan ng mas magandang kinabukasan ang kanilang pamilya.  Maraming Baliwagenyo ang patuloy na sumusubok na mangibang bansa kung kaya’t isa ito sa mga sektor na nais pagtuunan ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag sa pangunguna ni Mayor Ferdie Estrella.  Kaya’t napagdesisyunan ni Mayor Ferdie na bumuo ng isang organisasyon para sa mga OFWs upang sila rin ay makonsulta sa mga programa at serbisyo na maaaring ipagkaloob sa kanila.  Upang simulan ito, ay inaanyayahan ang mga datihan na at mga aktibo na OFW na magparehistro sa pamamagitan ng link na ito:

https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSfHeLFwyy1jLVVNT5qrv7gW4wEEeznAJSyt8Mr-9ieZimHK_g/viewform

Para sa iba pang impormasyon, makipag-ugnayan lamang sa PESO sa Baliwag Star Arena o tumawag o magtext sa 0933-517-7470 o mag-iwan ng mensahe sa peso@baliwag.gov.ph.

Advertisements

One Reply to “Organisasyon Para sa mga OFW, Inihahanda na

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.