Baliwag News Service

MDRRMO: MUNICIPAL DISASTER/ EMERGENCY RESPONSE TEAM MEETING

Advertisements

 Alinsunod sa pagsasagawa ng Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ng Office of Civil Defense ay mas pinaigting din ng Bayan ng Baliwag sa Pangunguna ng Punong Bayan Ferdinand V. Estrella, katuwang ang Baliwag Rescue FVE at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ang pagtitiyak sa kahandaan ng bawat Baliwagenyo.

Dahil dito ay muling nagtipon ang Baliwag Disaster/ Emergency Response Focal Person’s sa bawat tanggapan ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Baliwag upang talakayin ang mga isyung pang kaligtasan ukol sa ibat ibang uri ng hazard na maaring mangyari sa bayan ng Baliwag.

Pinangunahan ng tanggapan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, Rescue FVE ang pag pupulong kung saan naruon ang Pinuno ng Rescue FVE na si Ginoong Tagumpay Cruz na nagbigay ng mahahalagang detalye ukol sa hakbang pangkaligtasan sakaling magkaroon ng The Big One.

Naroon rin si Ginoong Alvin Lee Asuro, LDRRMO-III na siyang tumalakay sa Manual o Guidelines ng Bayan ng Baliwag ukol sa pagsasagawa ng Earthquake Drill sa bawat pampubliko at pribadong institusyon/ gusali.

Lahat ng representante ng bawat tanggapan ay naging aktibo sa pakikinig at pagbibigay ng mga suwestyon sa pag plaplano sa pamamaraan ng pagbibigay kaalaman at kasanayan sa bawat baliwagenyo upang matiyak ang kanilang kahandaan, kaligtasan sa lahat ng oras, maging ang mga kapwa kawani ng Pamahalaang Bayan ay inorganisa na upang isabak sa basic life support/ rescue training, first aid at iba pang kasanayan pangkaligtasan.

Alinsunod ito sa pagpapabuti ng serbisyong handog ng MDRRMO Rescue FVE sa pangunguna ng Punong Bayan Ferdie Estrella, upang magkakatuwang nating mapanatili ang wastong pamamahagi ng kaalaman upang matiyak ang kahandaan at kaligtasan ng bawat Baliwagenyo ay makakaasa ang bawat mamayan na mas magiging komprehensibo ang pagbaba ng mga kasanayan at kaalaman sa bawat barangay, upang sagayon ay matiyak ang 100 porsyentong diseminasyon ng kaalamang pamgkaligtasan.

#mdrrmo

#serbisyongmaymalasakit #serbisyongmayresulta #kaalamankahandaantungosakaligtasan

#baliwag #mfve

Advertisements