Layunin ng Punong Bayan Ferdie na mapanatili ang “Kaalaman, Kahandaan tungo sa Kaligtasan” sa lahat ng lugar sa bayan kung saan nais nito na mabigyan ng wastong kaalaaman at kasanayan ang bawat mamayan tungo sa kaligtasan sakaling magkaroon ng sakuna.
Unang nagkaroon ng magkasunod na Consultative Meeting ang Baliwag MDRRMO Rescue FVE sa mga focal person ng bawat paaralan sa Baliwag North and South District at sa STI, BTI at Baliwag Polytechnic College ukol sa pag titiyak na ang bawat mag aaral sa bayan ay mapangalagaan at matiyak ang kanilang kaligtasan sa oras ng mga sakuna.
Naroon rin si Ginoong Alvin Lee Asuro, LDRRMO-III, na tumalakay naman sa teknikal na aspeto ng pagsasagawa ng mga kasanayan o drill para sa kahandaan ng bawat Baliwagenyo depende sa lugar na kanilang pinalalagihan, tulad ng paaralan. Tinalakay rin ang mga planong dapat ay niloob ng bawat School Emergency Plans, tulad ng Disaster Plan, Contingency Plans at ng Evacuation Plans na makakatulong sa tamang pag hahanda para sa mga sakuna at mga kinakailangang dikumento bago ang pagsasagawa ng mga drill o kasanayang pang kalaligtasan.
Naging magkaktuwang ang mga nasabing institusyon kung saan nagbukas ang BTI para sa mga estudyante ng STI at Fernandez College sakaling magkaroon ng paglindol ay magamit nito ang Malawak na Parking Space ng BTI upang maging evacuation site. Magiging Katuwang din ng BPC, STI at BTI ang Baliwag MDRRMO sa pag gawa ng mga ito ng kanilang mga plano ukol sa pag titiyak sa kaligtasan ng kanilang mga empleyado at mga mga aaral.
Tunay nga na sersyoso ang Bayan ng Baliwag sa pangunguna ng Punong Bayan Ferdie Estrella sa kampanya nito ukol sa kaligtasan ng bawat Baliwagenyo, kaya naman lahat ay inaanyayahan na maging katuwang sa mga ibabang mga Kasanayan at Diseminasyon ng Kaalaman sa Bawat Barangay sa mga Darating na Buwan.
#Baliwag #mdrrmo #serbisyongmaymalasakit #serbisyongmayresulta #kaalamankahandaantungosakaligtasan