Dahil narin sa galing at husay ng Baliwag Rescue FVE sa pangunguna ng Punong Bayan Ferdinand V. Estrella, ay isa ang ating bayan sa mga naimbitahan upang dumalo sa pag sasagawa ng National Simultaneous Earthquake Drill exercise sa lungsod ng San Jose Del Monte.
Pinangunahan ang nasabing aktibidad ng Direktor ng OCD Region III na si General Marlou Salazar, kasama ang mga opisyal mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, Office of Civil Defense, Bureau of Fire, Philippine Navy, Philippine National Police, Philippine Air force, Philippine Military at mga naimbitahang mga Municipal/ City Disaster Risk Reduction and Management Offices sa buong lalawigan ng Bulacan kasama ang PDRRMO na pinangunahan ng Punong Lalawigan Wilhemino Alvarado.
Kasabay ng nasabing joint exercise ay ang pagsasagawa ng nationwide earthquake drill na sinabayan ng bawat paaralan, pampubliko at pribadong mga tanggapan sa buong Bansa.
Matagumpay na natapos ang Nationwide Earthquake drill sa buong bansa, kabilang sa ating bayan na kung saan ang bawat Pampublikong Paaralang Elementarya ay nakisabay mag Duck, Cover and Hold tungo sa Kaligtasan.
Sa pangunguna ng Punong Bayan Ferdie Estrella katuwang ang Baliwag Rescue FVE at ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ay maasahan ng bawat Baliwagenyo na magpapanatili ng kaligtasan at kaayusan sa ating bayan.
#serbisyongmaymalasakit #serbisyongmayresulta #mdrrmo #baliwagrescuefve #baliwagenyolaginghanda #baliwagenyoligtaska!