Baliwag News Service

Baliwag Health Office, Itinanghal na Pinakamahusay na LGU Partner in Health!

Lungsod ng Malolos – Itinanghal ngang 1st Place Best Local Government Unit Partner in Health sa Gawad Galing Kalusugan. Ito nga ang pinakamataas na parangal na iginagawad ng Panlalawigang Tanggapan ng Kalusugan sa pangunguna ni Dr. Joy Esguerra. Isa nga itong nakakagandang panahon para sa Bayan ng Baliwag na noong Agosto ay nagsimulang humakot ng award, una na nga rito ang CMCI o ang Cities and Municipalities Competitive Index Most Improved First Class LGU. Mula noon, naging matagumpay ang Baliwag sa kanyang mga nominasyon at itinanghal na Seal of Good Local Governance at Champion sa E-Gov G2C Category sa Award for IT Excellence for lT for Local Government. Samantala, pinapurihan ni Gob. Wilhelmino Sy-Alvarado ang Bayan ng Baliwag at Mayor Ferdie V. Estrella sa magandang performance nito bilang pinakabagong bayan na pumasok sa SGLG at ngayon ay 1st Place Best LGU Partner in Health. Nagkamit ng 2nd Place ang Bayan ng Angat at 3rd Place ang Bayan ng Hagonoy. Nagkamit din ng Best Program for Health Innovation ang mga Bayan ng Plaridel, Norzagaray at Hagonoy. Binati ni Mayor Ferdie Viceo Estrella ang buong Baliwag Municipal Health Office sa pangunguna ni Dr. Mary Joan Dinlasan kasama sina Dr. Charrie Esguerra, Dr. Edith dela Cruz, Dr. Merrilyn de Leon at Dr. Dave Legazpi at mga nurses, midwives at health workers sa kanilang dedikasyon at sa walang kapagurang paghahatid ng serbisyong may malasakit.
Advertisements