Baliwag News Service

Mayor Ferdie: “Huwag nating bigyan ng puwang ang Lamok na may Dengue na makapinsala pa sa mga Bata. Tuloy-tuloy lang natin ang Linisang bahay at bayan.”

Baliwag, Bulacan – Puno ng pangamba si Mayor Ferdie Estrella sa posibleng epekto ng pagbabakuna ng Dengvaxia sa mga bata noong isang taon base sa utos ng Department of Health.

Matapos nga na maglabas ng advisory ang kumpanyang Sanofina posibleng magdulot pa ng severe dengue ang mga batang nabakunahan nito. Matatandaan na ang mga batang nasa edad 9-12 sa mga pampublikong paaralan ay binakunahan bago matapos ang termino ni Pangulong Benigno Aquino.

Iyan nga ang dahilan upang higit na pagibayuhin at ipatupad ang paglilinis mula sa bahay, bakuran at bawat tapat. Hindi dapat tayo tumigil sa pagpuksa sa mga posibleng pamahayan ng lamok.

Samantala, dumalo naman ang lahat ng mga pampublikong Doktor sa Bayan ng Baliwag sa ipinatawag na briefing ng DOH3 ukol sa Dengvaxia noong Lunes, Disyembre 3, 2017.

Ani Dr. Mary Joan Dinlasan, maaring magsadya sa mga Rural Health Units of mayroong katanungan upang maipaliwanag ito sa kanila.

Advertisements

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.