Baliwag News Service DTI nutripop serbisyong may malasakit

Dagdag Kabuhayan para sa mga Pamilya ng mga batang malnourished, inihandog ni Mayor Ferdie!

24879541_2420999611459377_8245611902520430627_o

Ika-4 Disyembre, 2017. Ipinamahagi ng ating Punongbayan Ferdie Estrella ang mga starter kits ng Mushroom Production bilang dagdag kabuhayan para sa 16 na pamilya ng mga batang malnourished. Nagmula ang pondong ito sa Bottom Up Budgeting (BUB) mula sa Department of Trade and Industry at sa Pamahalaang Bayan ng Baliwag na naglalayong bigyan ng maayos na oportunidad ang mga pamilyang Baliwagenyo na matugunan ang  mga pang-araw-araw na pangangailangan ng kanilang pamilya.

h

Sumailalim sa pagsasanay sa pagpapatubo ng kabute ang mga napiling benepisyaryo ng gayon din ang wastong pamumuhunan sa kanilang magiging kabuhayan. Ang mga mapaptubong kabute ay may siguradong supplier na siyang bibili nito, kaya’t matitiyak na mayroong kikitain ang pamilya.

Kabilang din sa mga benepisyaryo ng proyektong ito ay mga reformees mula sa Bahay Pagbabago na inaasahang mabibigyan ng pagkakataong magkaroon ng iba pang paraan ng pagkakakitaan para sa kanilang paglabas sa pasilidad.

 

Advertisements

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.