Baliwag News Service

Buhay OFW: OFW, Nagpasalamat kay Mayor Ferdie

ofw

Bagong bayani kung ituring ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagtratrabaho sa ibang bansa upang mabigyan ng mas maganda na kinabukasan ang kanilang pamilya.  Maraming Baliwagenyo ang patuloy na sumusubok na mangibang bansa kung kaya’t isa ito sa mga sektor na nais pagtuunan ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag sa pangunguna ni Mayor Ferdie Estrella.

Isa si Gng. Irene Pleno Timbang sa mga sumubok na mangibang bansa. Ayon sa kanya, ang mabigyan nang magandang kinabukasan ang kanyang pamilya ang dahilan kung bakit pinili niyang mawalay at makipagsapalaran sa ibang bansa.  Nadestino siya sa Saudi Arabia bilang isang household worker. Ngunit sa kasamaang palad, siya ay hindi siya sinuwerte. Makaraan lamang ang isang buwan, nagkasakit si Gng. Timbang na naging dahilan upang siya ay maospital.  Sa ikalawang pagkakaospital, ang kaniyang pamilya ay humingi na nang tulong kay Mayor Ferdie Estrella noong Lunes, Disyembre 04, 2017. Personal na dumulog ang kaniyang ama kay Mayor Ferdie at isinalaysay ang kondisyon ng kaniyang anak sa Saudi.  Mabilis ang naging tugon ni Mayor Ferdie sa kahilingan ni G. Pleno, inatasan niya ang Public Employment Service Office na agaran na makipagugnayan sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) upang mabilis na mapabalik si Gng. Timbang dito sa Pilipinas.  Nagkausap ang pamilya ni Gng. Timbang at ang OWWA Region III upang mailahad ang kanyang kasalukuyang kondisyon at kung ano ang nais nila na mangyari.  Hiniling ng pamilya na makauwi na si Gng. Timbang.  Isang magandang balita ang natanggap ng kaniyang pamilya nang sila ay sabihan na makakauwi na ang kanilang kapamilya ng Martes, Disyembre 05, 2017 sa ganap na ika-10 ng gabi.

Ngayong araw ng Lunes, Disyembre 11, 2017, bumisita si Gng. Rowena at ang kanyang ama kay Mayor Ferdie Estrella para personal na magpasalamat sa mabilisang tulong na kanyang natanggap. Nag-alok din si Mayor Ferdie na ang kanyang tanggapan ay bukas sa kaniyang pangangailan. Sa katunayan, nakatakda siya na makatangap ng Foot Spa with Manicure and Pedicure Kit mula sa Public Employment Service Office na lubos na makatutulong upang siya ay makapagsimula. Nagpapasalamat naman ang Pamahalaang Bayan sa napakalaking tulong ng OWWA sa paguwi ni Gng. Timbang.

Isa ito sa mga kadahilanan kung bakit si Mayor Ferdie ay nais na magkaroon na nang OFW Desk na ilalagay sa PESO upang may agaran na pupuntahan ang mga OFW o kanilang pamilya tungkol sa mga serbisyo at programa na maaari nila makuha.  Inatasan na din nya ang pagprofile sa mga OFW na naninirahan sa Baliwag.

Advertisements

2 Replies to “Buhay OFW: OFW, Nagpasalamat kay Mayor Ferdie

  1. Magandang araw Po Mahal naming Mayor Ferdie Estrella ,una po sa lahat nag papasamalamat po ako sa mabilisang Aksyon sa pag tulong mo na Malaysia agad c Gng.Timbang ,isa rin po akong OFW ntuwa po ako ng mabasa ko ung post sa fb page nyo n gusto nyong mag lagay ng OFW desk para sa kgaya ko malaking tulong po yan kung mtutuloy dhil hndi npo kailangan png lumuwas ng pmilya ng isang OFW kung ngkka problema para lng mkpunta sa agency ng sila po ay mtulungan , ,sana po matuloy un para sa serbisyo at programa n maipag kala loob nyo sa mga OFW na katulad kong taga Baliuag,maraming salamat po Mayor at Mery Christmas po !🎄god bless po

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.