235 na Mother Leaders ng Baliwag, sumailalaim sa Capability Development Seminar on Nutrition Program

Advertisements

Nobyembre 8-9, 2017. Bilang paghahanda sa nalalapit na ebalwasyon sa Programa ng Nutrisyon, idinaos ang dalawang (2) araw na Capability Development for Nutrition Program para sa mga Mother Leaders sa lahat ng 27 barangay ng Baliwag na ginanap sa conference room ng munisipyo.

Layunin ng pagsasanay na ito na bigyang pagpapahalaga ang kahusayan sa pagawa ng gampanin ng mga mother leaders para sa katagumpayan ng programa ng nutrisyon. Alinsunod ito sa katatapos lamang na pagsasanay na isinagawa rin sa mga Lingkod Lingap sa Nayon, na siyang itinatalang mamuno sa gawain ng mga mother leaders, patungkol sa programa ng nutrisyon.

Pinangunahan ng mga tauhan ng Nutrition and Population Office, na siyang itinalagang mga Cluster Leaders, ang nasabing pagsasanay, sa patnubay ng pinuno ng tanggapan. Binigyang diin ang mga paksa sa wastong pagtitimbang sa mga bata, pagtuos sa tamang edad pati ang pagsusulat ng mga report sa barangay.

Naging makabuluhan ang pagsasanay dahil sa bukas-loob na pakikiisa ng mga nagsidalong mother leaeders, kaya’t inaasahan na masusundan pa ang mga pagsasanay na ito sa barangay.