Baliwag News Service

2nd Season ng Mayor FVE Inter Barangay Basketball League, Nagsimula na!

Advertisements

Sa pangalawang pagkakataon ay pormal nang binuksan at nakumpleto ang 27 Barangay ng may “Dugong Baliwag Pusong Baliwag” Mayor Ferdie Estrella ang 2nd MFVE Inter- Barangay Basketball League sa Baliwag Star Arena. Sa pangungauna ni Mayor Ferdie Estrella at katuwang ang Sports Development Office sa pamumuno ni G.Baldo Torres. Ang opening ceremony ay nag umpisa ng ika- 3 ng hapon, noong Linggo ika -3 ng Disyembre. Ang surpresang bisita ay naggaling sa De La Salle University, sya ay walang iba kundi si Jeron Alvin Teng.  Ayon sa Punongbayan ay gusto nyang mailayo sa masamang bisyo at maging aktibo sa sports na basketball ang mga kabataang Baliwagenyo. Kaya ng siya ay maupo bilang Alkalde ng bayan Baliwag ay sumigla ang kagawaran ng Palakasan sa Baliwag lalo na ang larong Basketball.

Advertisements