Baliwag News Service

Pamahalaang Bayan ng Baliwag nakipagkasundo sa Baliuag University

Advertisements

San Jose, Baliwag – Nakipagkasundo ang Pamahalaang Bayan ng Baliwag sa pangunguna ni Mayor Ferdie V. Estrella at Baliuag University na kinatawan naman ng kanilang Pangulo, Dr. Patricia Bustos-Lagunda.

Nilalaman ng kasunduan ang pagbuo ng mga klase para sa continuing education ng mga empleyado ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag na kasalukuyan ay sumasailalim sa reengineering process kasama na ang paglalahad ng mga quality performance systems tulad ng strategic performance management system, International standard accreditation o ISO 9001:2015 at streamlining ng Citizens Charter.

Hindi na nga ito ang dating gobyerno na teka-teka, Mayor Ferdie said. “We want people to work efficiently. We want people to move our pace in order for every Baliwagenyo to start feeling the reforms they need to see. Nasimulan na, tuloy-tuloy na,” he continued.

Samantala, Ikinatutuwa ni Dr. Lagunda ang napakahusay na performance ng Baliwag sa loob lamang ng isang taon, at napatunayan naman ng napakaraming inaning parangal ng Baliwag, huli nga nito ay ang Seal of Good Local Governance ng DILG.


Kasamang lumagda para sa pamahalaang bayan si Municipal Administrator Enrique Tagle at sina BU VP for Finance Monina Bustos-Santos, BU VP for Academics, Dr. Flordeliza Castro, BU College of Nursing Dean Elizabeth Roxas sa panig ng Baliuag University.

Advertisements