Baliwag News Service

Mayor Ferdie Inatasan ang Municipal Health Office na Magsagawa ng Public Briefing ukol sa Dengvaxia

Baliwag, Bulacan – Inatasan nga ni Punongbayan Mayor Ferdie Estrella ang Tanggapan ng Pambayang Tanggapan ng Kalusugan na manguna o dumalo ang mga doktor ng pamahalaan lokal sa mga pampublikong dayalogo o pagdinig.

Nakatakda naman dumalo sina Dr. Mary Joan Dinlasan, Municipal Health Officer, Dr. Charrie Esguerra, Dr. Edith dela Cruz, Dr. Merielyn de Leon at Dr Dave Legazpi sa mga panayam na inorganisa ng mga tagamasid pampurok ng Hilaga at Timog Baliwag sa mga darating na araw.

Samantala, pinayuhan ni Dr. Mary Joan Dinlasan ang publiko lalo na ang mga nasaksakan ng bakuna na sumangguni sa mga doktor sa alinmang RHU at Malasakit Center kung makakaranas ng pananakit ng katawan at ulo, lagnat at pagtubo ng tila mga pulang pantal, panlalamig at pananakit ng katawan.

Advertisements