Baliwag News Service

BALIWAG ECCD CENTERS TO UNDERGO DSWD ACCREDITATION

Nito lamang Nobyembre 29,2017 ay ginanap ang Orientation for Day Care Teachers para sa nalalapit na DSWD Accreditation of Daycare Centers and Educators. Alinsunod sa kagustuhan ng Punong Bayan Ferdie V. Estrella na mas mapaayos at mapaganda pa ang kalidad ng serbisyong handog ng bawat ECCD Centers sa bayan ng Baliwag.

Naging isa ngang malaking hamon ito para sa mga guro dahil sa maiksing panahon na nalabi para sakanilang paghahanda, ngunit, sa suporta ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag sa pangunguna ng Punong Bayan Ferdie Estrella at ng ECCD Board, ay magkakatuwang na itataguyod ang dekalidad na edukasyon para sa bawat batang Baliwagenyo na nasa Baliwag ECCD Centers.

Nasa nasabing orientation si Bb. Sonia Manio, ang provincial coordinator and accreditor ng day care centers para sa bayan ng bulacan, kung saan tinalakay nito ang mga kinakailangang napapaloob sa isang DSWD Certified na day care center. Tinalakay rin niya ang mga kasanayan at kakayahang nararapat na nalilinang ng mga guro sa kanilang araw araw na aktibidad kasama ang mga mag aaral, maging ang mga documentary requirements tulad ng Students portfolio, assessment tools at marami pang iba.

Naging mabunga at naging isang malaking hamon para sa mga guro ng Baliwag Early Childhood Care and Development ang maipasa di lamang ang kanilang kredibilidad bilang mga Day Care Teachers ng Bayan ng Baliwag, bagkus pati maipasa ang kanilang mga center upang ma accredit ang mga ito upang tumanggap ng mga bata para sa ECCD program.

Dahil sa bayan ng Baliwag, ang pag papaunlad at pagpapabuti ng mga serbisyo at programang handog ng Pamahalaang bayan para sa bawat baliwagenyo, ay patuloy nating pauunlariin at pag iibayuhin, dahil walang sino mang Baliwagenyo ang maaiwan, tungo sa kaunlaraan!

Serbisyong may Malasakit, Serbisyong May Resulta!

Advertisements

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.