Baliwag News Service

Guhit Pinas muling Nagsagawa ng Workshop

ni Mina Evangelista

Glorietta Park, Baliwag – Ginanap nitong nakaraang ika-30 Nobyembre ang isang pagtitipon ng GUHIT Pinas Bulacan-Baliwag. Isa itong art group na kinabibilangan ng mga Baliwagenyong kabataan, mag-aaral, empleyado at mga propesyunal sa iba’t-ibang larangan. Ang grupo ay tatlong taon na mula ng mabuo at binubuklod ng kanilang interes sa sining, lalo na sa larangan ng visual arts.

Halos tatlumpung kabataan ang dumalo sa buwanang meet-up ng grupo nitong nakaraang linggo. Sa pangunguna ng mga lider ng GPB Baliwag, nagkaroon ang grupo ng isang araw na art tutorials sa calligraphy at watercolor painting. Ginanap ito sa isang lugar sa Sto. Cristo Baliwag, Bulacan. Bilang isang non-profit organization, ang grupo ay nagsasagawa ng mga ganitong gawain ng walang bayad, at wala ring natatanggap na anumang kapalit, malibam sa kaligayahan na makapagbahagi ng kaalan sa iba. Limitado man ang mga kagamitan, hindi ito hadlang para maisagawa ng maayos at masabing matagumpay ang bawat art meet-up, na karaniwang ginagawa isang beses sa bawat buwan.

Pinapangarap ng GUHIT Pinas Bulacan-Baliwag na maibahagi at magsanay pa ng mas maraming mga Baliwagenyo sa larangan ng visual arts.

Advertisements