Baliwag News Service

Sagrada Familia Market, Bukas na!

Tangos, Baliwag, Bulacan – Pinasinayaan na kaninang alas-8 ng umaga ang ikalawang Public Market sa Barangay Tangos. Ang Sagrada Familia Market ay pag-aari ni Gng. Graciella Howard na siya ring humiling sa Pamahalaang Bayan na mabigyan ng prangkisa upang makapagbukas ito.

Panauhing Pandangal kanina sina Mayor Ferdie V. Estrella, Congresswoman Lorna Silverio, Board Member Atty. Buko dela Cruz, Konsehal Atty. Pechay dela Cruz at Konsehal Dingdong Nicolas. Kasama sa listahan ng mga nagputol ng laso para sa pasinaya ay sina Mrs. Dolores Salcedo (may-ari ng Baliwag Lechon Inc.), Mr. and Mrs. Abet Viceo, Gng. Menchie Martinez at Architect Mariano.

Ang pamilihang ito ay may walumpung stall sa wet section at isang daan sa dry goods section. Malaki ang parking space at comfort room para sa mamimili.

Advertisements