Baliwag News Service

Baliwag Christmas Lighting Ceremony, bukas na!

Advertisements

Baliwag, Bulacan – Hindi nga magkanda mayaw sa pagbuo ng Christmas Tree na paiilawan bukas, ang tinguriang the Tallest Christmas Tree in the Province made of Recycled Materials.

Inaasahan na magiging isang atraksyon muli ang Christmas Tree na ito na dinarayo dahil na din sa mga tindang bibingka at puto bumbong dito.

Bukas natin malalaman kung saan yari ang Christmas Tree na ito na may taas na 35ft. Si Mayor Ferdie Estrella ang nakatakdang manguna sa pagbubukas ng ilaw.

Nanguna sa pagdidisenyo ng Christmas Decors ngayon taon si G. Julian Salvador ng Office of the Municipal Administrator katuwang ang mga Maintenance Section (Pinong Bolactia), Logistics Section (Ambet Jose) at Bahay Pagbabago (Rafinal Villafuerte).

Advertisements