Baliwag News Service

Mga Baliwagenyong Nagkamit ng Karangalan, Kinilala ni Mayor Ferdie

Noong nakaraang Lunes, ika-27 ng Nobyembre 2017, pinangaralan ni Mayor Ferdie V. Estrella, kasama ni Kon. Dingdong Nicolas, ang mga Baliwagenyong nagpamalas ng galing at talino sa kani-kanilang larangan.

Kasabay ng pagdaraos ng lingguhang flag raising ceremony ay buong galak na kinilala ni Mayor Ferdie ang mga mag-aaral na pumasa sa mga katatapos lamang na Psychometrician, Mechanical Engineer, Certified Public Accountant at Midwife Licensure Board Examinations. Narito ang listahan ng mga nagsipagtagumpay sa kani-kanilang pagsusulit:

PSYCHOMETRICIAN             CERTIFIED PUBLIC ACCOUNTANCY (CPA)

Chelsea Marie M. Bautista                Joime Alfonso Pangilinan

Barangay Subic                                  Barangay San Roque

Baliuag University                             Baliuag University

 

Gyra Jannin S. Cruz                           Christian Marcelino

Barangay Subic                                     Baliuag University

University of Sto. Tomas

 

Mary Joys G. Mendoza

Barangay Poblacion

Baliwag University

 

MECHANICAL ENGINEER                 MIDWIFE       

 

Rendell David Tronera Cruz            Carmelita S. Cunanan

Barangay Tilapayong                            Barangay San Roque

Bulacan State University                  Fernandez College of Arts and Technology

 

Kinilala rin si Vika Civiriam Garcia mula sa Barangay Sabang sa kanyang pagwawagi sa mga patimpalak sa larangan ng pagkarera.

Hindi rin matatawaran ang galing na ipinamalas ng ilan sa mga bata mula sa Early Childhood Care and Development Program sa nakalipas na Provincial Children’s Congress. Nakamit ng  mga batang mag-aaral mula sa Barangay Sabang ang ikatlong gantimpala sa Calisthenics, samantalang nakamit naman ni Louriz Oliva ang pinakamataas na karangalan sa Color and Copy Category.

Sa katatapos lamang na E-Gov Awards 2017, kinilala ang bayan ng Baliwag sa pamumuno ni Mayor Ferdie at ng Municipal Information and Communications Technology Office (MICTO) bilang Champion sa Best in Customer Empowerment (G2C) Category at Finalist sa Best in Government Inter-Operability (G2G) Category— isang patunay na tuloy ang pag-arangkada ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag sa pagbibigay ng Serbisyong May Malasakit.

 

Tunay na ikinagagalak ng ating Punongbayan ang mga karangalang nakamit ng mga nabanggit na indibidwal kung kaya’t para sa kanya, nararapat lamang na sila ay mabigyan ng sapat na pagkilala upang magsilbing mabuting ehemplo sa lahat ng mga Baliwagenyo.

Naghudyat din ang naturang flag raising ceremony ng pakikiisa ng mga kawani ng Pamahalaang Bayan sa 18-Day Campaign to End Violence Against Women and their Children sa pamamagitan ng pagsusuot ng kulay kahel. Ito ay patuloy na magaganap sa susunod na dalawang Lunes ng buwan ng Disyembre.

Advertisements