The Buzz: Sagrada Familia Public Market (Tangos)

Advertisements

Tangos, Baliwag, Bulacan – Inanunsyo kahapon ng pamunuan ng Sagrada Familia Public Market na magbubukas ang opamilihan sa Nobyembre 28, 2017, araw ng Martes. Ito ay magsisilbing dry run o soft opening upang magkaroon sila ng sapat na kahandaan at makita ang mga pagkukulang pa nito bago ang kanilang Grand Opening sa Disyembre. Inaanyayahan naman ng Sagrada Familia Public Market Administration ang lahat na bumisita at matikman ang hinahanap nilang karanasan sa tuwing sila ay namimili – parking space, sariwang paninda, malinis na pamilihan at magigiliw na ka-suki.

Pinapaalala naman ng SF-Tangos Public Market na susunod ito sa patakaran ng Baliwag sa Plastic Reduction kaya’t pinapayuhan naman ang lahat na magdala ng mga eco-friendly bayong.