Baliwag News Service

BanKo, Subsidiaryo ng BPI, Magbubukas sa Baliwag

Baliwag, Bulacan – Isa na namang bangko ang magbubukas sa Baliwag sa kabila ng hindi magkanda mayaw at kabi-kabilang bangko at iba pang pinansiyal na institusyon. Ayon sa datos ng Baliwag Business Permits and License Office, mayroong higit sa isan daan at animnapu (160) ang nasa kategoryang financial institutions at hindi nga bababa sa limampu ang mga bangko.

Ang BanKo ay isang bagong konsepto ng pinagsamang mobile-based at counter-type na banking business model para sa mga underserved areas para sa mga cottage to microsmall entrepreneurs at empleyado na nagnanais na magkaroon ng banking service gayun din ay makapagbigay ng mga fast cash loans at mobile-based payment at remittance service.

Ang Banko Baliwag Branch ay isa sa limang branch na bubuksan ng BPI sa buong Bulacan. Ito ay matatagpuan sa BS Aquino Avenue at halos sa tapat ito ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag at Mariano Ponce High School.

Advertisements

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.