Sagrada Familia Public Market, Tangos, Baliwag, Bulacan – Ang Baliwag ay binubuo ng dalawampu’t-pitong mga barangays. Kung ikaw ay taal na taga-Baliwag, bayan at bukid ang paraan kung paano hinati ng mga taga-Baliwag ang kanilang bayan base sa sistema ng komersiyo dito. Ang mga urban barangays o bayan ay binubuo ng 14 na barangays – Poblacion, Bagong Nayon, Sabang, Subic, Santo Cristo, Concepcion, San Jose, Tiaong, Tarcan, Makinabang, Virgen delas Flores, Tibag, Sta. Barbara at Pagala. Huli na nga ng mabaling sa Pagala ang sentro ng komersyo matapos mabuksan ang SM City Baliwag taong 2008. Ang mga natitirang barangays ay tinatawag na bukid dahil sa lawak ng lupa na ginagamit pansaka.
New Growth Area
Ngunit, hindi nga makakaila ang sigla ngayon sa gawi ng Tangos-Sulivan-Sto. Niño. Dito ngayon ay umuusbong ang mga establisyimento na hindi magpapahuli sa bayan. Eto nga ang bagong growth area ng Baliwag. Ayon sa datos ng Business Permits and Licensing Office nasa pantatlo ang Brgy. Tangos sa may pinakamadaming Business Registration at pangwalo sa may pinakamalaking Capital Investment. Mayroon nga talagang dahilan upang umusbong ang mga establisyimento tulad ng Montessori de Sagrada Familia at bukod diyan ay ang pinalakas na Small and Medium Enterprises na nakasentro sa mga agro-industrial products kasama na din ang industriya ng livestock at agricultural produce.
Bagong Public Market
Hindi nga maiiwasan na ang lokal na ekonomiya ay higit pang lumago dahil sa paglaki ng populasyon at merkado dito. Tinatayang ang Tangos-Sulivan-Santo Niño Growth Area ay may kabuuang 200,000 merkado base sa bilang ng mga nagkokomersyo, nag-aaral o transients mula sa mga bayan na bahagi ng Lalawigan ng Pampanga tulad Candaba, Sta. Ana, San Simon, Apalit at San Luis.
Malaki ding bahagi ng Bulacan ang may interes sa komersyo at edukasyon dito lalo na ang Bayan ng San Rafael, San Ildefonso at San Miguel. Dagdag pa riyan ang mga bagong developed residential houses sa paligid nito tulad ng Lumina, Camella, Villa Katrina at Waterwood Phase 3.
Sa pagbubukas nga ng bagong palengke dito ay maghuhudyat na naman ito ng isang bagong yugto ng komersiyalisasyon at siyang magpapatunay na ang Bayan ng Baliwag ang shining star city ng Bulacan.
Salamat po mayor Ferdie Estrella sa napakagandang serbisyo na natatanggap ng bayan ng Baliwag. Ako po ay labis na nasisiyahan sa kung paano po kayo kumilos at umaksyon sa mga suliranin. Katunayan po, ako ay taga-Pampanga, at inggit na inggit sa galing ng Mayor ng Baliwag. Ang linis at sobrang laki na nang in-improve ng Baliwag at ramdam po ito ng lahat. Ramdam ko po ang pagmamahal niyo sa bayan. Nawa po’y magsilbi kayong inspirasyon sa maraming pinuno ng bansa. Hiling ko po na sana patnubayan pa po kayo ng Panginoon, nang sa gayon maipagpatuloy niyo pa po. Muli po, congrats, salamat, at mabuhay po kayo!