Baliwag News Service

BALIWAG EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT: PINARANGALAN SA PROVINCIAL CHILDRENS CONGRESS

Ipinamalas ng mga batang Baliwagenyo ang kanilang angking galing at husay sa nakaraang Provincial Children’s Congress sa Malolos nitong Nobyembre 15, 2017.

Makaraan ang Galing Mo Kid na pinangunahan ng Punong Bayan Ferdie Estrella para sa mga mag aaral ng Baliwag Early Childhood Care and Development (MUNICIPAL LEVEL) kung saan unang pinamalas ng mga mag aaral ang kanilang talento at husay na kung saan nag kampeon sina:

Maria Llouriz Oliva : Draw and Color : Barangca Day Care Center

Princess Ivie Onera : Singing : Sto. Cristo Day Care Center

Christian Aaron Enojas : Poem Recital : VDF Daycare Center

Sabang B DC : Calisthenics

Ang mga nagkamit ng  pagkilala mula 1st Place hanggang 3rd Place sa apat na kategorya ng kumpetisyon ay binigyan ng cash prize, medalya at certificate mula sa Pamahalaang Bayan ng Baliwag.

Ang mga nag kampeon sa ating bayan ay dumalo sa Provincial Childrens Congress kung saan pinalad tayo na makuha ang dalawang pagkilala sa dalawang kategorya (Drawing at Calisthenics) laban sa dalawamput dalawang (22) mga munisipyong lumahok.

DRAW AND COLOR

MARIA LLOURIZ OLIVA: CHAMPION

CALISTHENICS

SABANG B: 3rd Place

Kakatawan si Maria Llouriz Oliva para sa probinsya ng Bulacan, para sa Regional Childrens Competition na gahanapin sa Nobyembre 21, 2017 sa Subic, Zambales kung saan sya ay muling lalaban para sa kategorya ng pagguhit at pagkulay.

Tunay ngang ang galing at husay ng bawat baliwagenyo ay makikita na agad sa murang edad, katuwang ang Pamahalaang Bayan ng Baliwag sa pangunguna ng ating Punong Bayan Ferdie Estrella na nahahandg ng mga dekalidad na serbisyo para sa mga bata, tulad ng ECCD Program, ay kaagapay ng bawat Pamilyang Baliwagenyo sa pag papaunlad ng kakayahan ng bawat baliwagenyo, at tutulong sa paghubog sa mga kabataan at mamamayan upang malinang ng higit ang kanilang angking talento at husay na talagang Pang Word Class.

Taas noo Baliwagenyo! ngayon, Bukas at Magpakailanaman.

#serbisyongmaymalasakit #serbisyongmayresulta #dugongbaliwagusongbaliwag #baliwageccd #eccd #childrenscongress #galingmokid

Advertisements