Baliwag News Service

Sunog sa may AMA Bank Bldg. – BS Aquino Ave.

Baliwag, Bulacan – Isang sunog ang inapula ng mga bumbero kaninang mga alas 5 ng hapon. Ang sunog ay nagmula sa ika-tatlong palapag ng AMA Bank Building sa may BS Aquino Avenue. Ito ay sa pagitan ng Petron at Baliuag Rural Bank. Napagalaman na ito ay ginagamit na computer shop.

Idineklara itong fire out mga bandang 5:45 ng hapon. Inaalam pa ang naging sanhi ng sunog.


Bangkay ng Nalunod na Bata, Natagpuan na ng Baliwag Rescue

Natagpuan na ang bangkay ng binatilyong nalunod matapos ang dalawang araw ng paghahanap ng Baliwag Rescue. Sinasabing ang binatilyo kasama ang pitong iba pa ay naliligo sa ilog sa gawi nga ng ginagawang pansamantalang Baliwag-Bustos Bridge. Diumano’y tumatalon ang mga binatilyo at saka ito magpapaanod sa gawi ng Poblacion. Sinasabi ng mga kasama na matapos na tumalon ay hindi na nga ito naka ahon pa.

Nagpapasalamat naman ang pamilya sa pagkakakita sa bangkay ng biktima dahil na rin sa walang tigil na retrieval operations na isinagawa ng Baliwag Rescue batay sa utos ni Mayor Ferdie Estrella.

Advertisements

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.