baliwag Baliwag Agri Baliwag News Service Batang Baliwag bulacan

Rice Hybridization Program sa Baliwag-Ikinasa na

Sa pangunguna ng ating PunongBayan Ferdie Estrella,kasama ang mga taga Municipal Agriculture Office(MAO),MAFC members at mga taga Provincial Agriculture Office(PAO),ay matagumpay na naisagawa ang pagpupulong ukol sa Hybridization Program sa Baliwag.

Planong pagpapalaganap ng paggamit ng Hybrid rice sa baliwag ay pormal nang ikinasa. Ito’y alinsunod sa mithiin ng ating butihing Punongbayan Ferdie Estrella na maging isa ang Baliwag sa mga tumatangkilik sa paggamit ng Hybrid.

Bilang pakikiisa sa mga magsasaka ng Baliwag ay hiniling ng ating Mayor na magsagawa ng isang pagpupulong kasama  ang mga MAFC-(Municipal Agricultural and Fishery Council).

Sa pagpupulong na ito ay naihayag ng ating mga MAFC member ang mga saloobin ng mga magsasaka sa Baliwag.

“Sadyang napakahirap talaga ng sitwasyon ng ating magsasaka sa Baliwag,kung kaya’t ako’y naririto upang dinggin ang inyong mga saloobin hinggil sa pagpapaunlad ng Agrikultura sa ating Bayan”- FERDIE ESTRELLA

Bakas ang galak sa mukha ng mga MAFC member matapos nilang makausap nang masinsinan ang ating PunongBayan at maipahayag ang kanilang mga saloobin.

Nangako naman ang ating Punongbayan na bawat programa at plano sa pagpapaunlad ng Agrikultura ay bibigyang importansya at prioridad.

Advertisements